Anu bang problema ko?
i can see us dying... are we?
Hays.. I just really really don't understand everything that's happening around me now. LOL.
I'm not being "emo" here ok? I just feel so weird.. Anyway, I know I won't act like this if not because of any reason.
Bakit ba kasi kailangang kaliit-liitang bagay eh hindi totoo ang sasabihin? Hindi naman ganun dati. Ang alam kong dati eh.. Masaya.. Sweet.. Yung pakiramdam na ayaw mo ng tumigil ang oras pag kasama siya... Yung sainyong dalawa lang umiikot ang mundo... Yung lahat ng pakinggan mong kanta masaya sa tenga kasi masaya ka... Yung isang minuto na walang tungkol sa kanya eh isang minuto ng kalungkutan...
Ngayon? hindi ko alam... Simula lang nung panahong paparating si Bagyong Frank eh dahan-dahan ng nag-iba lahat... Kasalanan mo ba un Frank? Kasalanan ba niya? o Kasalanan ko?
Wala naman akong naiisip na nagawa ko. Hmm.. So baka si Frank nga noh? tsk..
Ngayon ko lang din narerealize na possessive pala ako. Oo.. Sa lahat ng bagay na nasa paligid ko, at sa lahat ng tao sa paligid ko, possessive ako. Sobrang mali ba yun? Ewan, hindi ko talaga maintindihan. Siguro, isa sa mga dahilan eh dahil nasanay ako. Oo tama.. Nasanay nga ako... Nasanay na walang ganun dati kaya ngayon na mayroon na.. naninibago ako. Patawad naman.
Eto pa, pakiramdam ko, IBA. Alam mo ba yun pakiramdam na yun blog? Yung tipong, andami mong gustong pag-usapan pero sa tuwing sasabihin mo, iisang bagay lang ang nakakakuha ng atensyon niya. At yun ang "cyber world" siguro kasalanan ko din dahil ngayon, andaming takbo ng buhay ko, meron sa skwelahan, sa cyber world, sa bahay at iba pang bagay. Siya, iisang bagay lang. Pero diba? bakit sa iba hindi naman ganun? Bakit sakin lang? Bakit ako lang ang nag-aantay? Bakit parang anlamig? Kahit ilang ulit niya sakin sinasabi ang magic word, hindi ko na nararamdaman yung nararamdaman ko dati na tumatagos mula puso hanggang spinal cord hanggang balat sa likod. Hindi ko na nararamdaman na totoo lahat yun. Parang lahat may second thoughts. Dati naman, masaya lahat ng usapan, minu-minuto kumpleto ang araw ko, matagal ko din hindi naramdaman yung pagpatak ng luha. Pero ngayon, parang lahat kabaligtaran. Hindi naman dati ganito, bakit ngayon ganito na? Kasalanan ko ba? Hay... sumagot ka naman blog. Kasi naman, ang hirap talagang i-explain. Hindi ko masabi mismo kung ano yung gusto kong sabihin.. Gets mo ba?
Sa kabilang banda, Salamat sa nakausap ko sa ym kanina. Kahit sabi mo nga eh wala kang maibigay na advice, super ayus lang. Pinakinggan mo ko eh! Apir Physics Partner! =p haha. At sainyo naman mga bading (kilala niyo kung sino kayo), tama yan... nagsolo kayo. tsk. next time ha? pag ayaw niyo ko isama, mag-sosolo din ako! kalimutan na! haha. tsk. Pero salamat dudes =p
Ayoko ng pahabain toh. Hindi ko din naman maexplain ng maayos. Haha. Waw! Pure tagalog ba? tsk. F ko eh. ^_^
0 comments