14th monthsary..

by - Friday, September 19, 2008

14th monthsary.. :)


I used to put "Happy Monthsary" on my yahoo messenger stat every 19th of the month... But, as time goes by.. as months passes by.. The letter h, a, p, p and y started to fade. Now? 14th monthsary will do.. :) I just really feel that I am so special.. *Oh God, sorry for I am lying again* LOL. Hays..


Tama na ang english, wala ako sa mood magpaka-nosebleed ngayon.

Blog, mula ngayon, bibigyan kita ng name.. ikaw na si sponge. Kasi magiging absorber ka ng lahat ng saloobin ko. Ok ba yun? =) orayt! Ayun.. Sept.19 na sponge. Monthsary sken! yehey! Parang ewan. Itigil na nga toh. :) Ok.. back to reality. Paki-absorb naman yung nararamdaman ko now. Para after nito ok na ko. Pls? ^_^ Lagi na lang ganito, kada-19.. hindi ko na feel na special tong araw na toh. Bakit pag ako, natataranta sa ganitong araw? Tingin mo I deserve these things? Buti na lang may "friends" ako. :) laging anjan. Siguro sponge, masyado lang akong humahanap ng ideal relationship. Yung relationship na inakala ko eh nsakin na. Ilan beses ko na din sinasabing pagod na ko. Pero ano? para pa rin akong tanga na balik ng balik. Teka.. e2 quoted quotes na naman galing kay super friend.

"parang asukal lang yan hazel.
kung adik ka sa asukal, katagalan... magkaksakit ka
pero masarap ung asukal, anong magagawa ko?
kung mamatay ako, gus2 ko mamatay ng masaya noh"

"well, it's all worth the pain. tulad din ng yosi yan... ang hirap isuko.. bakit? kasi parte na sya ng sistema mo. hindi madaling isuko ung isang bagay na alam mong nandun kahit anong oras mo kelanganin. ung tipong, nde mo na kelangan ng dagdag na kapalit, kasi ung mimsong item na un.. un na ung kukumpleto sa araw mo.
chaka.. sabi nga nila diba... "it does hurt... especially when you're doing it the right way."

at eto ang pinaka malupit..

"kawawa ka naman... naawa ako para sayo, la lang, kasi nde ko pa nararansan ung nde matreat ng super kaduper special sa day ng monthsary"

Bakit yung ibang tao, napapansin yun? Bakit siya hindi? Sponge, ok ka pa ba? Tell me lang kung hindi na kayang i-absorb. *Lol*

Eto na naman ako, napakadami kong gusto sabihin, pero hindi ko masabi ng maayos. At sayo naman, wala ka bang ibang alam sa YM kundi BUZZ!! ? Akala mo ba biro lang lahat? Na lahat pwedeng maayos ng simpleng ngiti mo? Pwes hindi ka nagkakamali. T_T Para ka kasing ewan, simpleng sorry at pagbanggit lang ng tawag mo sakin, okei na ko. At pagod na ko sa ganun. Nagsasawa na ko sa ganun. Ang labo na talaga. Diyan ka ba talga masaya? Hindi naman siguro ako nag-eexpect ng sobra, bakit naman yung iba hindi ganito?

Anyway, sponge, share ko lang toh..
http://www.youtube.com/watch?v=M12gVYoKY0g
ala lang.. nabubuhayan ako ng loob sa kanta. =)

Tama na toh, wala din naman mangyayari kahit paluhain ko ng dugo itong blog na toh. Sana lang, dumating yung araw na magbago lahat, na maramdaman ko yung pagiging special. :) Sana, pag dumating yun, andito pa ako at andito ka pa. :)

Buti na lang, hindi ka isa sa mga nagbabasa ng blog ko.


[.livin the life.]



You May Also Like

0 comments