Minsan, nakakatamad na (Part 2)

by - Wednesday, June 18, 2008

"Minsan, nakakatamad na..."


Yeah.. Minsan, nakakatamad na...
Anu-ano ang mga nakakatamad na? Madami, mga bagay na umiikot sa mundo ko..
Minsan, nakakatamad ng gumising sa umaga para makita ang mga kasama mo sa bahay na hindi mo alam kung ano ba talaga ang tingin sayo. Nakakatamad kumain sa harap ng kompyuter dahil wala kang makasabay sa hapag-kainan. Nakakatamad umuwi ng bahay dahil alam mong wala kang makakausap ng matino. Nakakatamad pumasok ng eskwelahan dahil magkano lang ang baon mo. Nakakatamad tumira sa bahay na alam mong hindi totoo ang pinapakita sayo ng karamihan ng kasama mo. Nakakatamad ng subukan na ayusin ang mga pagkakamaling nagawa mo dahil sa oras na sisimulan mo ng baguhin, madami ka na agad maririnig sa kanila na hindi maganda. EWAN. Madami pa... Hindi lang talaga nila ako naiintindihan at hindi ko din sila naiintindihan.

Pero, salamat pa din kasi madami-dami pa din namang mga bagay na nagpapa-ganda ng araw ko. ^_^ Alam na nila kung sino sila at kung ano ang nagagawa nila...

Ewan, nawala na naman ako sa mood about sa topic na toh. O_o Change topic. Andami kong gustong gawin ngayon.

Gusto ko maka-ipon pambili ng sarili kong laptop.
Gusto ko maka-earn ng extra money.
Gusto ko mag-rent ng unit para hindi araw2 umuuwi.

Ewan. Madaming madami pa T_T hays.
Speaking of madaming madami. Madaming madami din ang mga prob na dumadating sakin now. LOL!.
At hindi ko alam kung hanggang kelan toh. Sana matapos na..
next post na lang ulit.
Inaantok na ko. =p



06/19/08 is tomorrow. Woo! =)) 1month to go bebi milky.. :) we'll make it. ^_^

You May Also Like

0 comments